🌞 Mapagpalang Araw sa Lahat! 🙏
Ugaliin po nating gamitin ang mga grant na ating natatanggap sa pagbili ng mga produkto at serbisyo sa ating mga 21gifts Shops.
Tulad nga po ng sinabi ng ating Founder na si @cyrill, ang mga grant na ibinibigay sa atin ay isang tulong upang matugunan ang ating mga pang-araw-araw na pangangailangan, hindi upang basta na lamang ipunin.
Kung nais po nating magkaroon ng sariling ipon, mas mainam na ito ay manggaling sa ating sariling pagsisikap, pagtatrabaho at paghahanapbuhay araw-araw.
Pahalagahan po natin ang tulong na ating natatanggap. Gamitin natin ito nang wasto upang patuloy na umikot ang Bitcoin sa ating komunidad at makatulong sa ating kapwa.
Suportahan ang ating 21gifts Shops. Gamitin, gumastos nang wasto at magtulungan! ❤️
Pagpalain po tayong lahat ng Diyos!🙏
@cyrill @carry @pater-severin @dansw

#bitcoin #21gifts #Manila


























































































